Laborer, Sinaksak sa Isang Club House!

*Santiago City-* Nagtamo ng dalawang saksak sa katawan ang isang lalaki matapos madawit sa gulo sa isang Club house partikular sa brgy. Mabini, Santiago City.

Kinilala ang biktima na si Jason Barit, 26 anyos, may asawa, isang laborer at residente ng brgy. Lacab, Jones, Isabela.

Batay sa nakalap na impormasyon ng RMN Cauayan, nakatanggap ng tawag mula sa Ospital ang presinto uno ng PNP Santiago City na isang lalaki umano ang isinugod sa pagamutan dahil sa tinamong saksak.


Lumalabas sa imbestigasyon ng presinto uno na paalis na umano ang grupo ni Barit sa naturang Club at habang nasa parking area na ang mga ito ay nilapitan sila ng isang grupo ng mga kalalakihan at nakipagtalo sa grupo ni Barit.

Dahil sa pagtatalo ng dalawang grupo ay nasaksak sa bahagi ng likod at tiyan si Barit.

Agad din umanong tumakas ang mga suspek matapos ang insidente habang habang dinala naman sa pagamutan si Barit na kasalukuyang nagpapagaling.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng PNP para sa posibleng pagkakakilanlan at pagkakahuli sa mga suspek.

Facebook Comments