Labrador wagi sa Miss Limgas 2019

Kinoronahan na kagabi ang Limgas na Labrador na si Gwendoline Meliz Soriano bilang Limgas 2019 sa Capitol Plaza Lingayen Pangasinan.

Naiuwi din ni Soriano ang Darling of the Press na ginanap noong Marso 25, 2019 at Best in Talent na ginanap noong Abril 23 ngayong taon. Si Soriano, 20, ay isang Mass Communication student sa Trinity University of Asia. Nagkaroon ng 40 na kandidata ngunit top 15 lamang ang pinalad na makapasok. Nag-uwi ito ng 150, 000 at siya ang opisyal na kandidata para sa Miss Millenial 2019 ng isang TV Network.

Narito ang listahan ng ilang mga kandidata na nag-uwi ng titulo ngayong taon:


  • Limgas na Pangasinan – Gwendoline Meliz Soriano
  • Limgas na Turismo – Limgas na Binmaley Patricia Anne Bangug
  • Limgas na Kalikasan – Limgas na Villasis Pearla Peabody
  • 1st Runner Up – Limgas na Bugallon Allyson Claire Dela Cruz
  • 2nd Runner Up – Limgas na Lingayen Jm Paragas

Nasungkit din ni Soriano ang Best in Evening Gown at Best in Swim Suit ngayong taon.

Photo Credit: Province of Pangasinan fanpage 

Facebook Comments