Lacson administration, ‘di papayag na manakawan ang badyet

Tapos na ang paghahari ng mga umaabuso sa pambansang badyet kung si Partido Reporma chairman at standard-bearer Panfilo ‘Ping’ Lacson ang magbubusisi sa mga maaanomalyang insertion ng mga tiwali sa gobyerno.

Sinabi ni Lacson na sakaling siya ang magiging susunod na pangulo ng bansa, madaling mahaharang ang mga proyekto ng gobyerno na alam niyang malaking bahagi ang mapupunta sa katiwalian.

Sa panayam ni Karina Constantino sa “Dateline Philippines: In Focus” ng ANC noong Martes, sinabi ni Lacson na kung siya ang magiging susunod na pangulo ng bansa ay madaling mahaharang ang mga proyekto ng gobyerno na alam niyang malaking bahagi ang mapupunta sa katiwalian, tulad ng nangyayari sa pork barrel system.


Aniya, bagama’t hindi masama ang pork barrel nagagamit naman ito ng mga tiwaling politiko upang makapagnakaw sa pera, serbisyo, at mga programa na para sana sa pagpapaunlad ng buhay ng mga Pilipino.

“‘Yung pork barrel system, you know, it isn’t bad per se. Sa US nga tawag diyan earmarks,” sabi ni Lacson.

Ayon pa sa presidential candidate, maaari namang magkaroon ng mga karagdagan sa mungkahing pondo ng mga ahensya ng pamahalaan, pero dapat itong maging wasto at legal para masiguro na hindi mapupunta sa bulsa ng mga magnanakaw sa gobyerno.

“Ako, nag-i-insert din ako e. Naggagawa rin akong amendments pero talagang lahat institutional amendments; meaningsay DOST (Department of Science and Technology). Alam kong kailangan nila ng money, ng additional funding for research and development, or DICT (Department of Information and Communications Technology) or even… At other agencies for that matter—DepEd (Department of Education),” aniya.

“‘Pag nag-amend ka ng panggawa ng kalsada, ‘pag nag-amend ka ng pang livelihood; meaning soft, ano, na alam naman natin na hihingan lang ng komisyon, ‘yon ang ayoko. Because there’s misuse and abuse of the national budget,” dagdag ni Lacson.

Kaya naman sentro ng plataporma ni Lacson ang Budget Reform Advocacy for Village Empowerment (BRAVE) program na magwawasto sa paggasta ng badyet para maiwasan ang korapsyon sa porma ng hindi nagagamit na pondo at pag-aabuso ng mga korakot sa gobyerno.

“Baguhin natin ‘yung sistema. Instead of imposing a budget ceiling to the agencies, doon nawawala na ang planning kasi bibigyan halimbawa, okay, DPWH hanggang P600-billion kayo for the following year, succeeding year. So, anong gagawin ng DPWH?” saad ni Lacon.

And for that matter the other agencies? Lalampasan nila ‘yon kasi… Tawaran ‘yan e pagdating sa DBCC (Development Budget Coordination Committee), ‘Yung para i-prepare ‘yung tinatawag na National Expenditure Program or the President’s budget. So, nagkukumahog sa planning, hindi na masyadong napag-aralan,” ayon pa sa presidential candidate.

Sa ilalim ng zero-based budget system, ipinaliwanag ni Lacson na maidedepensa ng mga ahensya ng gobyerno ang bawat proyekto, programa, at mga aktibidad na kinakailangang pondohan. Dahil dito, maiiwasan ang mga pahabol na insertion.

“Tapos pagdating pa sa Congress, kanya-kanya pang insertions again, without any consultation with the implementing agencies. So merong disconnect. The agencies would not know how to implement the projects introduced by legislators kasi wala man lang consultation na ito ipapasok namin dito,” ani Lacson.

Isang kongkretong hakbang ito para masolusyunan ang katiwalian sa gobyerno, ayon kay Lacson. Matibay rin itong ebidensya ng abilidad niya na pamunuan ang bansa, dahil umano sa P300 bilyon ang kanyang nasagip mula sa pondo ng bayan na posible napunta sa katiwalian.

Facebook Comments