Lacson, ‘di magso-sorry sa ilang kongresista

Manila, Philippines – Walang balak humingi ng tawad si Senator Panfilo Lacson.

Ito ay matapos siyang bakbakan ni Capiz Representative Fredenil Castro dahil sa alegasyong may kwestyunableng alokasyon sa panukalang 2020 national budget.

Tanong ng senador, bakit pa siya magso-sorry gayung matagal na niyang binabantayan ang budget at lumalaban sa pork barrel.


Idinagdag pa ni Lacson, mas okay na tawagin siyang ‘isip bata’ kaysa sa maging magnanakaw.

Umaasa ang ilang mambabatas na sa kabila ng ‘word war’ sa pagitan ng Kamara at Senado ay hindi nito maaapektuhan ang target na maipasa ang panukalang pambansang pondo bago matapos ang taon.

Facebook Comments