Lacson, hindi lalagda sa BiCam report ng 2026 budget kapag hindi maiwawasto ang ilang probisyon sa pambansang pondo

Nagbanta si Senate President pro-tempore Ping Lacson na hindi siya lalagda sa raratipikahang bicameral conference committee report ng ₱6.793 trillion 2026 national budget.

Ito ang balak ni Lacson kapag hindi naitama ang mga probisyong nagbibigay ng malaking dagdag-pondo para sa Medical Assistance to Indigent and Financially Incapacitated Patients (MAIFIP) at ang paglalaan ng bilyon-bilyong piso para sa mga posibleng kaduda-dudang farm-to-market road.

Sa bicam ay itinaas sa ₱51 billion ang budget ng MAIFIP sa 2026 at ₱33 billion para sa farm-to-market roads.

Ayon kay Lacson, hindi siya pipirma sa pagratipika ng bicam report kung hindi maiwawasto ang MAIFIP na hindi naman compliant sa Universal Health Care Act at hindi siya papayag na i-associate o idawit ang kanyang sarili sa paggastos sa hindi planado at hindi sinuring farm-to-market roads.

Tinukoy ni Lacson na lantad sa political patronage ang MAIFIP dahil ito ang ginagarantiya ng mga guarantee letters na kaakibat nito at hindi naman talaga ang pangangailangang pangkalusugan ng mga mahihirap na Pilipino.

Facebook Comments