Ibinunyag ni Partido Reporma presidential candidate Senador Panfilo “Ping” Lacson kung paano niya nilabanan ang tukso ng katiwalian noong provincial director pa siya ng Philippine National Police (PNP) sa Laguna.
Kwento ni Lacson, noong provincial director pa siya ng PNP sa Laguna ay ipinag-utos niya sa kanyang mga tauhan na bawal ang pagtanggap ng suhol galing sa jueteng.
Kung siya naman ang mahuhuling sangkot sa iliagal na mga aktibidad ay handa rin siyang magpabaril.
Dito anya ay napatunayan niya ang kanyang prinsipyo sa buhay.
Nabatid na umabot sa ₱1.8 milyon kada buwan ang inalok kay Lacson ng mga jueteng lord kapalit ng kanyang pananahimik sa kanilang iligal na sugalan pero hindi ito umubra sa senador.
Facebook Comments