Lacson: “Kahit minsan, hindi kami tumanggap ng suhol kapalit ng serbisyo publiko”

Dinagsa ng libo-libong mga supporter ang pagsisimula ng kampanya ni presidential candidate Senator Panfilo “Ping” Lacson sa kaniyang balwarte sa Imus, Cavite.

Dumalo rin sa proclamation rally ang kaniyang ka-tandem na si vice presidential candidate at Senate President Vicente “Tito” Sotto III kasama ng kanilang senatorial slate.

Sa talumpati ni Lacson, muli niyang iginiit na mahalaga ang sugpuin ang korapsyon at ubusin ang mga magnanakaw.


Ipinagmalaki rin ng senador na kahit minsan ay hindi sila tumanggap ng suhol sa loob ng mahabang panahong pagtatrabaho sa gobyerno.

Samantala, tiniyak naman nina Lacson na mahigpit nilang susundin ang health protocols sa kanilang pagbisita sa iba’t ibang lugar.

Facebook Comments