Lacson, may paalala sa publiko hinggil sa pinaigting sa security protocols ngayong election period

Pinaalalahanan ni Partido Reporma Chairman at standard-bearer Panfilo ‘Ping’ Lacson ang publiko na alamin ang kanilang mga karapatan kasunod ng pagtatalaga ng mga checkpoint sa buong bansa dahil sa pagsisimula ng election period.

Ayon kay Lacson, pangkaraniwan lamang ang mga katanungan sa ganitong sitwasyon kung kaya’t dapat maging tapat at magalang ang pagsagot.

Kabilang sa maaaring itanong ay ang destinasyon, address, at kung nabakunahan na laban sa COVID-19.


Pinaalalahan din ng mambabatas ang publiko na iulat kaagad kung may makitang paglabag sa kapangyarihan ang mga awtoridad.

Ang pinaigting na protocol sa seguridad ay upang maiwasan ang mga kaso ng karahasan na may kaugnayan sa halalan at tatagal ito ng limang buwan alinsunod sa Commission on Elections (COMELEC) guidelines

Facebook Comments