
Muling nahalal na Chairman ng Senate Blue Ribbon Committee (BRC) si Senate President pro-tempore Ping Lacson.
Sa sesyon ngayong hapon ay iminosyon ni Senate Deputy Majority Leader JV Ejercito ang eleksyon ni Lacson bilang BRC Chairman at wala namang senador ang tumutol.
Dahil dito, maghahanda na ang komite sa isasagawang pagpapatuloy ng imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects na gagawin sa Biyernes, November 14.
Kasama sa ihahanda ngayon ang imbitasyon para padaluhin sa pagdinig ang 19 na senador na kinabibilangan ng 17 kongresista na dawit sa pagpopondo ng maanomalyang flood control projects, si dating Speaker Martin Romualdez at Cong. Eric Yap.
Samantala, tiniyak naman ni Lacson ang pagharap ng sinasabi niyang “very important witness” at ang testimonya nito ang magbibigay ng bigat at magpapatibay sa mga kasong inihain laban sa mga sangkot sa ghost flood control projects.
Sinabi rin ni Lacson na mahalaga ang magiging pagdinig ng Blue Ribbon Committee sa Biyernes lalo’t posibleng magsimula na ang preliminary investigation ng Department of Justice (DOJ) at Ombudsman tungkol sa flood control anomaly.









