Lacson-Sotto support group, malaking tulong para hindi umatras sa pagtakbo bilang pangulo si Sen. Ping

Inihayag ni Presidential candidate Senador Panfilo “Ping” Lacson na malaking utang na loob nito sa volunteers na tinawag niyang Lacson Sotto Support Group upang manindigan na hindi siya aatras sa pagtakbo bilang presidente ng bansa.

Ayon kay Senador Lacson tinatanaw niyang malaking utang na loob sa LSSG para maiparating sa pinakasulok-sulukan ang kaniyang mga programa at plataporma.

Paliwanag ni Lacson na marami sila sa ground kung saan ang Lacson-Sotto Support Group na nagsimula sa dating BRAVE movers, na kaniyang hinikayat na isama ang kaniyang running mate na si vice presidential candidate Senate President Vicente Tito Sotto III kaya naging Lacson-Sotto Support Group kaya’t nabago ang pangalan ng grupo.


Dagdag pa ng beterenong senador na nag-organisa sila ng 59 Provinces, sa buong bansa at kaya niyang i-monitor ang lahat ng kanilang mga aktibidad dahil sa ipino-post umano nila sa chat group ang kanilang mga aktibidad kaya’t nakikita ni Lacson kung gaano ka aktibo silang mag-recruit at katunayan ay meron pa silang volunteer ID Card.

Binigyang diin ni Lacson na na napaka-dedicated ang mga miyembro ng LSSG dahil kahit hatinggabi na ay nagtatrabaho pa at nire-recruit maging ang mga tao sa kasuluk-sulukan ng lugar kaya’t hindi siya aatras, su-surrender at hindi magwi-withdraw dahil sa ipinakitang dedikasyon ng kaniyang volunteers.

Facebook Comments