Ikinatuwa ng mga maliit na negosyante ang pagdalaw nina presidential candidate Sen. Panfilo “Ping” Lacson at running mate nito na si vice-presidential candidate Senate President Vicente “Tito” Sotto III sa Cafe Amadeo sa Barangay Dagatan, Amadeo, Cavite at pagawaan ng kangkong chips sa Tabluan Road, Mendez, Cavite.
Ayon kina Lacson-Sotto tandem, layon ng kanilang pagbisita sa mga maliliit na negosyante upang pasiglahin ang negosyo na matagal nang nahinto dahil sa pandemya.
Paliwanag nina Lacson-Sotto tandem na nais nilang tulungan ang mga maliliit na negosyante na lubhang naapektuhan sa pandemya upang sila’y makabangon at muling pasiglahin ang ekonomiya sa Cavite.
Nais din malaman nina Lacson-Sotto tandem kung ano ang mga problema ng mga micro small and medium enterprises (MSMEs) na maaari nilang maitulong upang muling sumigla ang ekonomiya sa kanyang lalawigan.
Makakaasa anila sila na prayoridad ng kanilang administrasyon sakaling papalarin na manalo sa eleksyon ang kapakanan ng mga maliliit na negosyante sa Cavite sa buong bansa.