Dinagsa ng mga tagasuporta ang tandem nina presidential aspirant Senator Ping Lacson at Senate President Tito Sotto III sa kanilang pagbisita sa Dumaguete City, Negros Oriental.
Bagama’t walang isinagawang caravan, marami ang matiyagang naghintay para makita sina Lacson at Sotto at mapakinggan ang mga magagandang plano nila para sa bansa.
Saglit na nagkaroon ng kumustahan sina Lacson at Sotto kasama ng pamilya Gaisano at ilang mga local government officials bago makipag-usap sa mga lider ng business sector ng lalawigan.
Kabilang naman sa mga ibinahagi nina Lacson ang mga programang magsusulong para sa reporma at pagbabago sa sektor ng kalusugan, pagtigil sa kotong at iba pang katiwalian.
Samantala, bukod sa Lacson-Sotto tandem, kasama rin nila ang mga Partido Reporma senatorial candidate na sina Dra. Minguita Padilla at retired General Guillermo Eleazar.