Inihayag ni Partido Reporma presidential aspirant Senador Panfilo Lacson na kanilang hihilingin ng ka-tandem na si vice presidential aspirant Senador Vicente Tito Sotto III sa Commission on Elections (COMELEC) na pahabain ang oras sa mga isinasagawang mga debate.
Ayon kay Lacson, kung talagang ilalatag ang kanilang mga plataporma hindi sapat ang 1 minuto at 30 segundo na sagot sa mga katanungan sa mga isinasagawang debate.
Aminado si Lacson na over prepared siya subalit marami umanong mga hindi naitanong sa kanila tulad ng water crisis, power crisis na mas maganda sana kung natalakay para malaman ng publiko ang mga plataporma bawat isa mga presidential candidates.
Sa kabila nito pinuri naman ni Lacson ang isinagawang debate ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) dahil medyo mahaba ang oras na ibinigay sa kanila.
Dagdag pa ni Lacson sa ganitong paraan malinaw na mauunawan ng mga Pilipino ang mga plataporma ng bawat kandidato at bawat partido kung medyo hahabaan ang oras sa halip na 1 minuto at 30 segundo lamang.