Lacson-Sotto Tandem hinamon ang Media na subukan i-cover ang ibang kandidato para makumpara sino talaga may arapatan maging pangulo ng bansa

Hinimok nina Partido Reporma standard-bearer Senador Panfilo “Ping” Lacson at running mate na si Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang Media na makipagpalitan sa kanilang mga kasamahan na nagbabalita sa iba pang mga presidential tandem upang personal nilang masuri ang tunay na kakayahan ng mga kandidato.

Ang pahayag ay ginawa nina Lacson-Sotto tandem matapos na tanungin ng ilang mamamahayag kung ano ang kaya nilang itaya sa kanilang pagtakbo bilang presidente at bise presidente ngayong humihigpit ang laban ng mga kandidato habang papalapit ang araw ng halalan.

Tiwala sina Lacson-Sotto tandem na maliban sa kanila ay wala nang ibang presidential tandem ngayong halalan ang makakapaghatid ng pinakamaayos na pamumuno para sa mga Pilipino.


Paliwanag nina Lacson-Sotto tandem, na seryoso silang manalo ngunit hindi sila hahantong sa uri ng pangangampanya na gumagawa ng mapaminsalang taktika sa ibang kandidato.

Pinaninindigan nila ang tinatayuang mga prinsipyo na iangat ang antas ng pulitika sa Pilipinas na nakapokus sa paglalatag ng plataporma at hindi para aliwin lamang ang mga botante.

Tinitiyak ng Lacson-Sotto tandem na ilalim ng kanilang pamumuno, makatitiyak ang publiko na maipatutupad nang wasto ang inilalatag na programang pangkaunlaran ng pamahalaan sa lahat ng lugar sa bansa para sabay-sabay na mararamdaman ang pag-ahon sa kahirapan at pagbabago.

Facebook Comments