Naniniwala sina Partido Reporma presidential candidate Senator Panfilo “Ping” Lacson at vice presidential aspirant Vicente “Tito” Sotto III na matatalino at matured na ang mga botante sa pagpili kung sino ang nararapat na magiging pangulo at pangalawang pangulo ng bansa.
Ayon kina Lacson-Sotto Tandem, hindi umano sila nababahala sa mga nagsisilabasang mga resulta ng survey dahil sa pananatilihin pa rin nila ang kanilang istratehiya ng pangangampanya na nakapokus sa paglalahad ng mga solusyon upang mapabuti ang buhay ng mga Pilipino sa ilalim ng kanilang liderato.
Kaya naman ipagpapatuloy nina Lacson-Sotto Tandem ang pagsuyo sa mga botante hanggang sa sumapit ang May 9 national elections.
Paliwanag ni Sotto na hindi pa huli ang lahat upang ligawan at mabago ang isipan ng mga botanteng Pilipino kung saan ay kinakailangan lang anila na maipresenta ang mga alok nilang plataporma para sa pagbabago gabay ang mga layuning “Aayusin ang Gobyerno, Aayusin ang Buhay ng mga Pilipino” at Uubusin ang Magnanakaw”.