Lacson-Sotto tandem, hindi prayoridad ang motorcade kundi nakatuon sa pakikinig sa tanong ng publiko

Inihayag nina Partido Reporma standard-bearer Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson at running mate nitong si vice presidential candidate Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na ang paraan ng kanilang magiging pamumuno na nagbibigay-tuon sa pakikinig sa boses ng mga Pilipino, sa kanilang pagbisita sa ilang probinsya sa Northern Luzon.

Ayon kina Lacson-Sotto tandem, sa halip kasi na magsagawa ng mga caravan o motorcade, nagpokus umano sila sa pakikinig sa mga hinaing at suhestiyon ng iba’t ibang sektor sa mga pampublikong pagtitipon na kanilang dinaluhan mula sa pagdalaw sa Baguio City, Urdaneta sa Pangasinan, at Santa Rosa, Nueva Ecija.

Sa ganitong paraan anila, mas may pagkakataon ang publiko na mailahad ang kanilang panig, sa halip ang tradisyonal na pakikinig lamang sa talumpati ng mga tumatakbo para sa posisyon sa gobyerno.


Dinaluhan ng 1,200 katao kung saan nakasentro ang mga isyu na kinahaharap nila katulad ng smuggling sa mga produktong pang-agrikultura, nasirang pangako ng Rice Tariffication Law (RTL), kakulangan sa mga pasilidad para sa irigasyon at pag-iimbak ng mga ani at kawalan ng suporta ng gobyerno.

Bukas sina Lacson at Sotto sa pag-amyenda sa Rice Tariffication Law makaraang malaman mula mismo sa mga magsasaka na sa halip na mapabuti tulad ng nilalayon ng batas ay mas napasama pa ang kanilang kita kung saan nangako si Lacson na hahabulin niya ang mga nasa likod ng rice cartel na nagpapahirap lalo sa kanilang kabuhayan.

Ayon pa kina Lacson-Sotto Tandem, korapsyon pa rin ang ugat ng pagdurusa ng mga nasa sektor ng agrikultura at kung bakit hindi tayo nakakasabay sa ibang mga bansa.

Kaya ito ang misyon nilang maalis sa gobyerno kung sila ang pagbibigyan na maging susunod na presidente at bise presidente.

Facebook Comments