Lacson-Sotto tandem, mapagkakatiwalaan at hindi sinungaling ayon sa pahayag ng ilang mga artista

Naniniwala ang sikat na komedyanteng si Vic Sotto na ang tunay na mapagkakatiwalaan, hindi sinungaling, kayang-kayang sugpuin ang katiwalian at mga magnanakaw sa lipunan ay matatagpuan lamang yan sa mga katangiang taglay nina Partido Reporma presidential candidate Sen. Panfilo ‘Ping’ Lacson at running mate niya na si Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III.

Ikinatuwa naman nina Lacson at Sotto III ang tiwalang ibinigay ni Bossing Vic kung saan nangako silang hindi bibiguin ang kanilang tiwala sa dalawang senador.

Una rito, kahapon humarap ang tambalan ng dalawang batikang public servants sa mga taga-Quezon City, kung saan nagsilbi si Sotto bilang bise alkalde simula 1988 hanggang 1992.


Ginanap ang kanilang campaign rally sa Quezon City Circle Covered Court kasama ng mga tapat na senatorial candidate ng Partido Reporma na sina retired General Guillermo Eleazar, Health Advocate Dra. Minguita Padilla, at dating Makati Congressman Monsour del Rosario.

Kasama rin sa pagtitipon si dating Agriculture Secretary at senatorial aspirant Emmanuel ‘Manny’ Piñol, tulad nina Lacson at Sotto, isinusulong niya rin ang programang magpapaunlad sa mga magsasaka at magbibigay ng seguridad sa pagkain ng bawat Pilipino.

Layunin nina Lacson at Sotto na maiangat at mapangalagaan ang kabuhayan ng mga magsasaka at mangingisda.

Matatandaan na sila ang nanguna sa pag-iimbestiga sa agricultural smuggling na pumipilay sa lokal na industriya.

Nagpahayag din ng pagsang-ayon sa mga plataporma ng Lacson-Sotto tandem ang radio host at senatorial candidate na si Raffy Tulfo, sa pamamagitan ng kanyang anak na si Ralph, inilahad niyang isusulong niya ang BRAVE program na adbokasiya ng tambalan ng dalawang batikang mga lingkod-bayan.

Ang BRAVE o Budget Reform Advocacy for Village Empowerment ang nakikitang solusyon nina Lacson at Sotto sa talamak na korapsyon sa pamahalaan, sa ilalim nito, maibababa ang pondo mula sa national patungo sa local government kaya magkakaroon ng ambag ang mga komunidad sa sarili nilang pag-unlad.

Naniniwala si Lacson na ang programang ito ay pinakamabisang armas upang maiangat sa kahirapan ng ating mga kababayan.
Nailatag na rin nila ang BRAVE sa kanilang konsultasyon sa mga local official at iba’t ibang sektor umpisa pa lang ng kanilang pag-anunsyo ng kandidatura.

Facebook Comments