Kampanya na may halong pasyal ang ginawa ng tambalan nina Partido Reporma standard-bearer Panfilo ‘Ping’ Lacson at Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III Baguio City nitong Sabado.
Nagmistulang “Batman and Robin” ang dalawa habang nag-iikot sa lungsod kung saan sa halip na magsagawa ng tradisyunal na motorcade at caravan ay naglakad-lakad sila kasabay ng mga turista upang mas mapalapit sa mga Pilipino.
Kabilang sa binisita ng dalawa ang Baguio Cathedral at naglakad sa Session Road patungong Burnham Park kasama rin sina Baguio City Mayor Benjamin Magalong at mga senatorial candidate na sina retired Gen. Guillermo Eleazar at dating Agriculture Secretary Manny Piñol.
Kahit malamig ang panahon, mainit na sinalubong ng mga disiplinadong taga-Baguio City ang grupo nina Lacson at Sotto.
Kasalukuyang nasa Alert Level 2 ang Baguio City kaya’t siniguro rin ng campaign team ng Lacson-Sotto na sumusunod sila sa mga health protocols.
Nagwakas ang dalawang araw na pagbisita ng Lacson-Sotto tandem sa pamamagitan ng paghigop ng mainit na kape sa maliit na stall sa Burnham Park.