Lacson-Sotto tandem, naglatag ng nararapat ng aksyon para matugunan ang pandemya

Suportado ng Senator Panfilo “Ping” Lacson at Senate President Vicente “Tito” Sotto tandem para sa 2022 elections ang unti-unting pagbubukas ng ekonomiya, pagtanggal sa curfew at pagpapataas ng kapasidad sa pampublikong transportasyon, pero naglatag sila ng mga hakbang para maging epektibo ang pagtugon sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay Senator Lacson na kandidato sa pagka-pangulo, matindi ang epekto ng lockdown lalo na sa maliliit na negosyo kung saan 73% ang nawalan ng trabaho.

Importante rin sabi ni Lacson na tutukan ngayon ang testing, tracing, treatment pati ang vaccination.


Sabi naman ni Sotto na kandidato sa pagkabise presidente, sa lockdown ay pino-postponed lang ang problema pero hindi naman talaga natutugunan.

Giit ni Sotto, ang dapat gawin ngayon ay mahigpit na pagsunod sa health protocols upang mapigil ang pagkalat ng COVID -19, paigtingin ang pagbabakuna at unti-unti na ring ligtas na buksan ang mga paaralan.

Facebook Comments