Kasabay ng pagdiriwang ngayon ng National Women’s Month ay sinabi ni presidential candidate Senator Panfilo “ping” Lacson na humahanga siya sa mga madiskarteng nanay.
Ayon kay Lacson, bilib siya sa husay ng mga babae na mas lalong nangibabaw ngayong panahon ng pandemya.
Hindi aniya dapat minamaliit ang kakayahan ng mga kababaihan lalo na’t marami sa kanila ang may natural na abilidad at katangiang umangat sa negosyo o humawak ng mataas na katungkulan sa trabaho.
Mensahe naman ni Lacson para sa lahat, kilalanin din ang kontribusyon ng mga kababaihan sa lipunan at ang kanilang papel sa pagsusulong ng kaunlaran ng bansa.
Gayundin naman, mataas din ang respeto ng kaniyang running mate na si Senate President Vicente “Tito” Sotto III sa mga babae na nagbigay raw sa kanila ng malaking impluwensiya.
Sakali namang palarin na maging pangulo si Lacson ay asahan aniya ang pantay na oportunidad sa mga kababaihan sa mga posisyon sa gobyerno.