Lacson-Sotto tandem, nakatakdang makipagpulong sa mga samahan ng Tricycle and Operators Drivers Association sa Candelaria Quezon

Handang-handa na ang tambalang Lacson-Sotto na makipag-diyalogo mamaya sa mga miyembro at opisyales ng Tricycle and Operators Drivers Association (TODA) ngayong alas-10 ng umaga sa Candelaria, Quezon sa Dagat Cusina Gubat, Diversion Road, Candelaria upang alamin ang kanilang mga problema.

Ayon sa Lacson-Sotto tandem nais nilang malaman ang mga nararanasang problema ng mahigit 200 mga kasapi ng TODA sa Candelaria, Quezon upang agad mabigyan ng kaukulang solusyon.

Bukod sa mga kasapi ng TODA mamayang ala una hanggang alas dos ng hapon makipagpulong naman ang Lacson-Sotto Tandem sa mga Barangay Captains at Transport Sector sa Lucena City.


Una rito kahapon ay nakipagdayalogo ang Lacson-Sotto tandem sa mga samahan ng Quezon Marinduque fishing boat operators and fishermen’s association sa Dalahican Port, Lucena City para ipaalam sa kanila ang mga gagawing hakbang kaugnay sa usapin ng pag-aangkat ng galunggong; gayong marami ng mga isda sa ating karagatan.

Nais iparating ng Lacson-Sotto tandem sa mga mangingisda na ramdam nila ang epekto ng pag-aangkat ng galunggong kaya’t pagpapaliwanagin ng dalawang beteranong senador ang mga opisyal ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) hinggil sa problema ng mga maliliit na mangingisda.

Pagkatapos kausapin ang mga mangingisda kahapon sunod na kinausap ng Lacson-Sotto tandem ang iba’t-ibang sektor at LGU officials sa St. Anne College Lucena Inc. at sinundan ng Caravan mula sa Sariaya Market hanggang Sariaya Municipal Hall at nagkaroon din ng courtesy call sa mga Sariaya LGU officials at panghuling aktibidades ng Lacson Sotto Tandem ang kanilang mga supporters sa Villa Escudero Maharlika Highway.

Umani ng mga mainit na pagsalubong at pagsuporta ang ginawang pagbisita ng mga beteranong Senador sa kanilang mga supporters.

Facebook Comments