Lacson-Sotto tandem, negatibo sa iligal na droga

79

Negatibo ang resulta ng isinagawang drug tests ng tambalang Senator Panfilo “Ping” Lacson at Senate President Tito Sotto III sa headquarters ng Philippine Drug Enforcement Unit (PDEA) sa Quezon City.

Pirmado ni Atty. Severino Uy Jr., Chief Examination Division ng PDEA ang lab test result nina Lacson at Sotto.

Ayon kay Atty. Uy, walang nakitang presensya ng anumang dangerous drugs kina Lacson at Sotto.


Naging mabusisi ang ginawa sa kanilang drug test dahil lahat ng klase ng ipinagbabawal na gamot ay kayang ma-trace maliban na lang sa mga ininom nilang vitamins.

Ginawa nila ang pagsasailalim sa drug test matapos na magparinig si Pangulong Rodrigo Duterte na may kandidato sa national position ang gumagamit ng cocaine.

Facebook Comments