Lacson-Sotto tandem, papanagutin ang mga palpak na kontraktor na gumagawa ng sira-sirang kalsada

Tiniyak ng Lacson-Sotto tandem na dapat habulin at papanagutin ang mga kontraktor at nagsulong ng mga proyektong pangkalsada na agad nawawasak, dahilan para masayang ang milyon-milyong pondo ng bayan at nagiging sagabal para agad na maihatid sa malalaking pamilihan ang mga agrikulturang produkto mula sa iba’t ibang lalawigan.

Ito ang naging tugon ni Partido Reporma presidential candidate Senator Panfilo ‘Ping’ Lacson kasabay ng pagpuna sa mga kalsada na sementado nga pero lubak-lubak naman na bumubungad sa kanila ng running mate na si vice presidential candidate at Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III tuwing bumibisita sa ilang lugar sa mga probinsya.

Ayon kina Lacson-Sotto tandem, dapat habulin ang mga palpak na kontraktor na gumagawa ng sira-sirang kalsada dahil ginastusan ng gobyerno pero agad nasisira kaagad pagkatapos sa susunod na taon ay popondohan na naman ng bilyong piso ang road maintenance.


Nitong Linggo, nagtungo ang Lacson-Sotto tandem sa Urdaneta City, Pangasinan para makipagdayalogo sa mga tricycle driver at operator kung saan sa kanilang pagbiyahe, nasaksihan mismo ni Lacson ang pagdaan sa wasak-wasak na kalsada na pinondohan naman aniya ng pamahalaan para sa mas maayos na transportasyon ngunit hindi naging pangmatagalan dahil tila gumamit ng mahinang kalidad ng mga materyales.

Facebook Comments