Naniniwala sina Partido Reporma standard-bearer Sen. Panfilo ‘Ping’ Lacson at running mate Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na malaki ang makukuha nilang boto sa Davao del Norte dahil sa mainit na pagtanggap sa kanila, bukod pa sa balwarte ito nina dating House Speaker Rep. Pantaleon ‘Bebot’ Alvarez at Governor Edwin Jubahib, na nagpahayag ng solidong suporta sa dalawa.
Nagpahayag din ng pagsuporta ang mga mayors, vice mayors, council members at mga nasasakupan ng lungsod at munisipalidad ng Panabo City, Tagum City, Island Garden City of Samal, Santo Tomas, Carmen, Kapalong, San Isidro, New Corella, Asuncion, Dujali at Talaingod.
Malaki ang paniniwala ng mga alkalde at kanilang gobernador na, ang makapagtatapos sa problema ng Pilipinas ay walang iba kundi sina Senator Ping Lacson, Senator Tito Sotto III at ang mga senador ng partido.