Lacson-Sotto tandem, sumalang sa drug test sa PDEA

Sumalang sa drug test sina Senador Panfilo “Ping” Lacson at Senate President Vicente “Tito” Sotto III sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) headquarters sa Quezon city.

Bago mag-alas dos ng hapon nang dumating sila sa headquarters at agad na dumiretso sa laboratory building ng PDEA.

Sabi ni Lacson, mabusisi ang ginawang drug test sa kanila ng mga doktor ng PDEA kung saan sila gumamit ng multi-drug testing kit.


Kaya nitong matukoy ang lahat ng uri ng iligal na droga hindi gaya ng ordinaryong test kit na shabu at marijuana lang ang kayang i-trace.

Sabi naman ni Sotto, limang oras ang itatagal bago lumabas ang resulta ng kanilang drug test.

Samantala, nagdesisyon silang sumalang sa drug test para magsilbing halimbawa sa iba pang mga kumakandidato sa national position.

Wala anilang problema kung tawagin silang uto-uto dahil ang importante ay mapatunayan nilang sila ay malinis at hindi gumagamit ng illegal drugs.

Facebook Comments