Tiniyak ngayon ng tambalang Lacson-Sotto na tatalima sila sa ipinaiiral na Health at Safety Protocols sa buong panahon ng kampanya para sa eleksyon 2022.
ISa ginanap na Press Briefing sa Multi Purpose Hall sa Imus Cavite sinabi ni Presidentiable Senator Panfilo Lacson na sineseguro nila sa publiko na hindi na nila dagdagan pa ang problema ng bansa
Paliwanag pa ni Lacson na kung ang pag uusapan ay karanasan sa politika sila umano ang karaoat dapat na manalo dahil sila lamang nina Sotto ang pinaka malawak na karanasan at pasokumano para sa naturang posisyon
Nagtungo na sa Imus Granstand ang Tandem Lacson-Sotto up ag doon ipagpatuloy ang kanilang mga aktibidades at programa upang ipabatid sa publiko ang kanilang mga plataporma at nangako si Lacson sa kanyang mga kababayan na Cabiteño na sakaling siya ay papalarin na maging pangulo ng bansa hindi umano niya bibiguin ang kanyang mga kababayan