Naniniwala sina presidentiable aspirant Panfilo “Ping” Lacson at vice presidentiable aspirant Vicente “Tito” Sotto III na malaki ang pakinabang ng ₱700 bilyon kung nagagastos lamang ng tama at hindi napupunta lamang sa korapsyon.
Ito ang ginawang pagtitiyak nina Lacson at Sotto kung magtitiwala ang taong bayan at sila ang ihahalal bilang pangulo at pangalawang pangulo sa darating na eleksyon.
Ayon kina Lacson at Sotto, maraming magiging libre na serbisyo kapag nakuha nila ang ₱700 bilyon na umano’y napupunta lamang sa korapsyon.
Paliwanag ng Lacson-Sotto tandem na kabilang sa mga libre ang mga gamot bukod pa sa libreng hospital, libreng patubig at iba pang mga pangunahing pangangailangan ng tao.
Giit ng dalawang beteranong senador, hindi nila sasayangin ang tiwala ng taong bayan sakaling sila ang papalarin na maluklok sa pinakamataas na posisyon sa gobyerno dahil na rin sa kanilang malawak na karanasan bilang isang public servant.