Lacson-Sotto tandem, titiyaking hindi magkakaroon ng nakawan sa Department of Migrant Workers

Tinitiyak nina presidential candidate senador Panfilo “Ping” Lacson at vice presidential candidate Senate President Vicente “Tito” Sotto III na maiiwasan ang mga pagnanakaw at iba pang uri ng pang-aabuso sa gobyerno, lalo na sa bagong tatag na Department of Migrant Workers, kung ang Lacson-Sotto tandem ang mapipiling mamuno sa bansa sa susunod na anim na taon.

Pagtitiyak ito ni Partido Reporma Chairman at standard-bearer senador Ping Lacson nang tanungin siya kung ano ang magiging plano niya para sa mga kababayan nating Overseas Filipino Workers o OFWs.

Ayon kay Lacson, naniniwala sila ng kaniyang running mate na si SP Sotto na ang katiwalian at pagiging ganid ng ilang opisyal at kawani ng gobyerno ang isa sa ugat ng mga problemang nararanasan ng mga Pilipino.


 

Paliwanag ng Lacson-Sotto tandem na sakaling sila ay papalarin na maging mga lider na bansa, ito rin anila ang una nilang sosolusyunan  upang matulungan ang mga manggagawang Pilipino sa loob at labas man ng bansa.

 

Prayoridad din ng Lacson-Sotto tandem ang paglilinis sa mga ahensya ng gobyerno na kilalang talamak sa katiwalian kung saan uunahin niya ang imbestigasyon sa Bureau of Customs.

 

Bitbit din ng dalawang batikang mga senador ang kanilang misyon na “Aayusin ang Gobyerno, Aayusin ang Buhay ng Bawat Pilipino” at “Uubusin ang Magnanakaw.”

Facebook Comments