Lacson-Sotto tandem umapila sa publiko na pag-alabin at huwag kalimutan ang Diwa ng EDSA ngayong ika-36th Anniversary ng 1986 EDSA Revolution

Muling umapila sina Presidential aspirant Senador Panfilo Ping Lacson at Vice Presidential aspirant Vicente Tito Sotto III sa publiko na muling sariwain ang Diwa ng EDSA 1986 People Power Revolution na pinaka-mataas na tagumpay ng bansa laban sa madilim na panahon na naranasan ng mga Pilipino.

Ayon kina Lacson-Sotto tandem tuloy-tuloy ang kanilang paalala sa mga Pilipino kung papaano tayo nanindigan laban sa hirap na ating naranasan noong panahon ng martial law.

Paliwanag nina Lacson-Sotto Tandem na ang History ay history at nangyari na ito sa bansa kaya’t mahirap na umanong kalimutan pa at huwag umanong papayagan na baguhin ang katotohanan tungkol sa EDSA.


Giit pa nina Lacson-Sotto tandem na responsibilidad umano nating lahat na magsalita kung ano ang katotohan, bigyang halaga ang nakaraan, at hikayatin ang iba na maging mulat sa ating lipunan.

Nananawagan ang Lacson-Sotto Tandem sa mamamayang Pilipino na muling magkaisa at mahalin ang ating mga sarili, ang ating kapwa, at ang ating bayan.

Dagdag pa ng mga beteranong Senador na ipagdiwang natin ang tagumpay ng EDSA sa pamamagitan ng patuloy na pagbabahagi ng katotohanan tungkol sa nakaraan upang ito ang mamayani sa bawat Pilipino.

Facebook Comments