Lacson, walang nilabag na batas sa Dacer-Corbito case

Iginiit ni Partido Reporma standard bearer Panfilo Lacson na wala siyang nilabag na batas nang magtago noong 2010.

Ito ay kaugnay ng kaso ng pagkamatay ng publicist na si Salvador “Bubby” Dacer at driver nitong si Emmanuel Corbito noong taong 2000.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Partido Reporma Spokesperson at Cong. Francisco Ashley “Ace” Acedillo na batay sa desisyon ng Korte Suprema noong 2006, pinapayagan ang mga indibidwal na may outstanding warrant of arrest na ipagpatuloy ang legal proceedings kaya’t may opsyon siyang tumakas.


Dahil sa desisyong iyon, naniwala aniya si Lacson na nabigyan siya ng opsyon na umiwas sa awtoridad at magpatuloy ang legal proceedings kahit hindi siya nasa pisikal na kustodiya ng korte.

Facebook Comments