Lady City Director itinalaga sa Cotabato City

Itinalaga na si Col. Portia Bañaga-Manalad bilang bagong director ng Cotabato City Police Office.

Si Col. Manalad ang kauna-unahang babaeng police director sa Soccsksargen region at buong Mindanao.

Pinalitan ni Manalad sa naturang pwesto si Col. Michael Lebanan. Itinalaga naman si Lebanan sa regional office sa General Santos City.


Si Manalad ang una at tanging babaeng kadete na nagtapos mula sa Philippine National Police Academy (PNPA) noong 1995.

Naunang naglingkod si Manalad bilang acting chief ng regional plans and strategy management division ng Police Regional Office 12 (PRO 12).

Samantala nagpaabot naman ng kanilang isang daang porsyentong suporta ang LGU Cotabato sa pangunguna ni Mayor Cynthia Guiani sa bagong liderato ng City PNP.

Mariin rin inihayag ng Alkalde na kaiisa sila sa mga magiging adbokaisya ng City PNP lalo na sa pagpapanatili ng katiwasayan sa syudad.

Facebook Comments