Lady Maroons top hitter Molde, na-injured sa kasagsagan ng laban kontra Ateneo

Nagtamo ng injury sa kaliwang tuhod ang Lady Maroons top hitter na si Isa Molde sa kasagsagan ng ikalawang set ng laban kontra Ateneo kagabi.

 

Hindi pa masabi ng mga doktor ng UAAP ang extent ng injury ni Molde matapos ang masamang bagsak dahil sa pag-spike ng teammate na si Mirgie Bautista.

 

Nakagawa pa ng 5 points si Molde bago ang nangyaring injury pero hindi na ito pinaglaro ng kanyang coach.


 

Si Molde ang ikatlong hitter sa UAAP na nagtamo ng injury kasunod nina Milena Alessandrini ng UST at Lycha Ebon ng FEU.

Facebook Comments