Pinaalalahanan ng Philippine consulate general sa Hong Kong ang publiko na mag-ingat at mapanuri sa mga natatanggap na mensahe mula sa social media na naglalaman ng link.
Ayon sa Konsulada, ang mga mensahe na ito ay nag-aanyaya na i-click ang link na siyang nagiging dahilan upang ma-access ang inyong account.
Ang inyong mga personal na impormasyon, gaya ng contact details, friends’ list, photos at iba pa ay maaaring magamit ng mga masasamang loob para sa mga iligal na gawain.
Ang mga biktima ng “phishing” ay maaring dumulog sa Hong Kong Computer Emergency Response Team Coordination Centre sa pamamagitan ng kanilang hotline 8105 6060, o mag email sa hkcert@hkcert.org
O maari din tumawag sa Philippine National Bureau of Investigation Anti-Fraud Division sa numerong (02) 8525 4093.