LAGASIT CREEK SA TAYUG, PINALALIM UPANG MAIWASAN ANG PAGBAHA

Pinalalim at nilinis ng lokal na pamahalaan ang Lagasit Creek sa Purok 2, Barangay C. Lichauco, Tayug bilang bahagi ng programa para mapanatili ang maayos na daloy ng tubig at kalinisan ng kapaligiran.

Kabilang rito ang dredging at pagtatanggal ng mga bara, burak, at basurang matagal nang naipon sa creek upang maiwasan ang pagbaha sa tuwing malakas ang ulan sa lugar.

Matatandaang isa ang bayan ng Tayug sa mga nakaranas ng matinding pagbaha sa Pangasinan nitong buwan dahil sa mga nagdaang bagyo.

Hiling naman ng ilang residente sa iba pang barangay na malinisan din ang creek sa kanilang lugar at mapahigpit ang ordinansa sa tamang pagtatapon ng basura.

Facebook Comments