LAGAY NG EKONOMIYA | Pilipinas, pangatlo sa may pinakamataas na paglago ng ekonomiya noong 2017 sa Asya

Manila, Philippines – Bumagal ang pagtaas ng Gross Domestic Product ng bansa nitong nakaraang taon ngunit nananatili pa rin ang Pilipinas sa may pinakamasiglang ekonomiya sa buong Asya.

Noong nakaraang taon, nagtala ang Pilipinas ng 6.7% Gross Domestic Product o GDP growth, kumpara sa 6.9% growth noong 2016.

Gayunpaman, pumapangatlo pa rin ang Pilipinas sa rehiyon, sumunod sa naitalang 6.8% growth ng Vietnam at 6.9% growth ng China.


Nagtala ang Industry Sector ng 7.3% Growth noong 4th quarter ng 2017, sinundan ng 6.8 Percent Growth ng Services Sector.

Gayunpaman, parehong bumaba ang mga ito sa parehong panahon noong 2016.
Nakabawi naman sa 2.4% growth ang agriculture sector kumpara sa -1.3% noong 4th quarter ng 2016.

Tumaas rin ang public spending sa 14.3% growth.

Samantala, umaasa ang pamahalaan na sisigla pa ang paglago ng ekonomiya ng bansa ngayong 2018 dahil sa mga nakalinyang infrastructure project at kapapatupad pa lamang na TRAIN Law.

Facebook Comments