LAGAY NG EKONOMIYA | Utang ng bansa, bumaba

Manila, Philippines – Bumaba ang binabayarang utang ng bansa.

Batay sa pinakabagong datos ng Bureau of Treasury, bumaba ang utang panlabas ng Pilipinas sa P2.229 trilyon mula sa dating P2.285 trilyon na naitala noong October 2017.

Umabot sa mahigit P600 bilyon ang ginastos ng pamahalaan para ipambayad sa mga utang nito sa katapusan ng Nobyembre noong taong 2017.


Ito ay mas mababa ng 14% kumpara sa binayaran nitong utang na nasa P700 bilyon sa kaparehong panahon noong 2016.

Nasa halos P300 bilyon naman ang kabuuang interest payments ng Pilipinas na mas mataas ng 1.6% mula sa dating mahigit P285 bilyon.

Facebook Comments