Lagay ng kalusugan ni Atty. Salvador Medialdea, ibinahagi ni Sen. Robin Padilla sa kaniyang social media

Ibinahagi ni Senator Robinhood Padilla ang kasalukuyang lagay ng kalusugan ni Atty. Salvador Medialdea na siyang tumatayong abogado ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC).

Sa Facebook account ni Padilla, sinabi ng senador na hinimatay si Medialdea kaya agad itong isinugod sa ospital sa The Hague, The Netherlands.

Mula ambulansya hanggang sa makarating ng pagamutan ay paulit-ulit ang mga naging bilin nito para kay Duterte kahit pa hirap nang magsalita.


Dagdag pa ni Padilla, naging paulit-ulit din ang test kay Medialdea na naroon pa sa ospital at dumating sa puntong sandaling pinalabas na rin siya ng kwarto dahil hindi maawat sa pag-iisip at pagsasalita ang abogado.

Martes nang isugod sa ospital si Medialdea matapos sumama ang pakiramdam habang nagrerehistro para mabisita si Duterte sa detention facility ng ICC.

Facebook Comments