Lagay ng panahon, alamin!

Unti-unting gaganda ang panahon sa mga lugar na inulan nitong nakalipas na mga araw.

Nalusaw na kasi ang Low Pressure Area (LPA) o dating bagyong Amang.

Mahihinang ulan ang hatid ng hanging amihan sa Cagayan Valley, Cordillera, Aurora, Quezon at Mindoro habang ang Romblon at Bicol Region ay may kalat-kalat ding pag-ulan dahil sa tail-end of cold front.


Apektado rin ng tail-end of cold front ang buong Kabisayaan.

Mainit at maalinsangan sa Mindanao.

Ang natitirang bahagi ng bansa kasama ang Metro Manila ay maganda ang panahon.

Facebook Comments