Lagay ng panahon, alamin!

Patuloy na makakaapekto sa malaking bahagi ng bansa ang dalawang weather systems.

Asahan na ang maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Bicol Region, Aurora at Quezon at bahagi ng eastern Visayas dahil sa northeast monsoon o hanging amihan.

Makakaranas naman ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan na may pagkulog at pagkidlat bunsod ng tail end a cold front ang Eastern Visayas at Northern Mindanao.


Iiral naman sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon at Visayas ang maulap na kalangitan na may posibilidad ng mahihinang pag-ulan.

Nakataas pa rin ang gale warning sa Northern Luzon, eastern seaboard ng Central at Southern Luzon at eastern seaboard ng Visayas.

Pinapayuhan ang may maliliit na sasakyang pandagat na iwasan munang pumalaot sa nasabing mga baybayin.

Facebook Comments