Lagay ng panahon, alamin!

Dominanteng umiiral ang hanging amihan sa bansa.

Kaya asahan pa rin ang malamig na panahon lalo na sa umaga.

Dahil sa amihan, may mahihinang ulan sa Cagayan Valley, Cordillera, Aurora at Quezon.


Sa Mindanao, makararanas din ng mahihinang ulan sa Caraga at Davao Region.

Ang Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa ay magiging maganda ang panahon.

Delikadong maglayag ang mga malilit na sasakyang pandagat sa mga silangang baybayin ng Southern Luzon, Visayas at Mindanao.

Facebook Comments