Lagay ng panahon, alamin!

Hanging amihan pa rin ang nakakaapekto sa buong bansa.

Kaugnay nito, makararanas ng maulap na kalangitan at mahihinang pag-ulan ang Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Caraga, Davao Region at mga probinsya ng Aurora at Quezon.

Habang sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa makakaranas lang ng mga kalat-kalat na mahihinang pag-ulan.


Wala namang namo-monitor na bagyo ang PAGASA pero may nakataas na gale warining sa mga baybaying-dagat sa buong Northern Luzon at sa eastern seaboard ng Luzon, Visayas at Mindanao.

Facebook Comments