Lagay ng panahon, alamin!

Maganda at maaliwalas na panahon ang asahan sa halos buong bansa ngayong araw.

Wala kasing namataan ang PAGASA na bagyo o Low Pressure Area (LPA) sa loob at labas ng bansa.

Tanging ang northeast monsoon o hanging amihan ang nakakaapekto ngayon sa bansa lalo na sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative, Caraga at Davao Region.


Sa mga nasabing lugar ay asahan ang mga bahagya at paminsan-minsan na pag-ulan.

Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Jomaila Garrido, ang amihan din ang dahilan kung bakit patuloy na nararamdaman ang malamig na panahon.

Kahapon ay naitala ng PAGASA ang pinakamalamig na temperatura sa bansa mula 2017.

Ito ay matapos na bumagsak sa 9.8°c ang temperatura sa Baguio City.

Facebook Comments