Lagay ng panahon, alamin!

Hanging amihan pa rin ang nakakaapekto sa buong bansa.

Patuloy itong magdadala ng mahihinang pag-ulan sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Caraga, Davao Region at sa mga probinsya ng Aurora at Quezon.

Habang sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa nananatiling maaliwalas ang panahon maliban sa mga pag-ambon.


At dahil sa epekto ng amihan nakataas pa rin ang gale warning sa eastern seaboard ng Visayas at Mindanao.

Facebook Comments