Patuloy ang malamig na panahong dala ng northeast monsoon o hanging amihan.
Subalit magdadala ito ng mga mahihinang ulan sa Aurora, Quezon, Oriental Mindoro, maging sa Cagayan Valley, Cordillera at Bicol Region.
Maganda naman ang panahon sa Visayas maliban sa mga pag-ulan sa Samar at Leyte.
Sa Mindanao, may isolated thunderstorms sa Soccsksargen, ARMM at Davao Oriental dahil sa buntot o ‘trough’ ng Low Pressure Area (LPA).
Sa natitirang bahagi ng bansa kasama ang Metro Manila ay maaliwalas ang panahon.
Facebook Comments