Lagay ng panahon, alamin!

Bahagyang humina ang epekto ng hanging amihan sa malaking bahagi ng bansa.

Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Loriedin Dela Cruz – umiiral kasi ang ridge of high pressure area na nasa silangang baybayin ng Japan.

Paliwanag pa ni Dela Cruz, kapag may high pressure area, asahan ang magandang panahon.


Ang buong Luzon kasama ang Metro Manila mananatili ang maaliwalas na panahon.

Sa Visayas at Mindanao, presko subalit bahagyang mainit sa tanghali at hapon habang may tiyansa rin ng isolated thunderstorms.

Facebook Comments