Lagay ng panahon, alamin!

Hanging amihan at Low Pressure Area (LPA) pa rin ang nakakaapekto sa malaking bahagi ng bansa.

Dahil sa trough ng LPA, asahan pa rin ang maulap na kalangitan na may kasamang pag-ulan at thunderstorm sa Eastern Visayas, Caraga, Davao Region at Palawan.

Makakaranas naman ng mahihina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa Batanes at Babuyan Group of Islands bunsod ng hanging amihan.


Light rains naman ang iiral sa natitirang bahagi ng Central at Northern Luzon.

Habang sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa magtutuloy-tuloy na ang pag-aliwalas ng panahon maliban sa mga isolated rainshower.

Samantala, patuloy ding binabantayan ng PAGASA ang isa pang Low Pressure Area (LPA) sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Huli itong namataan sa layong 1,060 kilometers silangan ng Mindanao na inaasahang papasok ng bansa ngayong araw hanggang bukas ng madaling araw.

Posible itong maging bagyo bago lumapit sa Cebu area.

Facebook Comments