Lagay ng panahon, alamin!

Posibleng ulanin ang pagsalubong ng Bagong Taon dahil sa bagyong Usman.

Alas tres kaninang hapon, huli itong namataan sa layong 690 kilometers silangan hilagang-silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Taglay pa rin ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour at pagbugsong 65 kph.


Kumikilos ito pa-hilagang kanluran sa bilis na 15 kph.

Dahil sa trough ng bagyo, makakaranas ng maulap na kalangitan na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm sa Eastern at Central Visayas at sa Caraga Region.

Mamayang gabi o bukas ng umaga, posibleng itaas ng PAGASA ang signal number 1 sa Eastern Visayas at Northern Caraga.

Samantala, hanging amihan pa rin ang nagdadala ng mahihinang pag-ulan sa Ilocos Region, Batanes at Babuyan Group of Islands.

Habang sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa, magiging bahagyang maulap hanggang sa maulap din ang kalangitan na kung minsan ay may pulo-pulong pag-ulan bunsod ng localized thunderstorm

Sunset today: 5:34 PM
Sunrise bukas: 6:19 AM

Facebook Comments