Lagay ng panahon, alamin!

Northeast monsoon o hanging amihan pa rin ang patuloy na nakakaapekto sa buong Luzon at Visayas.

Dahil dito, magiging maaliwalas na panahon ang mararanasan maliban na lamang sa mga isolated rains sa Metro Manila, buong Visayas at ibang bahagi ng Luzon.

Maaliwalas din na panahon na may isolated rains ang mararanasan din sa buong Mindanao.


Dahil sa amihan, nakataas ngayon ang gale warning sa northern seaboards sa Northern Luzon kaya at bawal munang pumaloat ang mga mangingisda at maliliit na sasakyang pandagat.

Facebook Comments