Lagay ng panahon, alamin!

Patuloy na binabantayan ang isang Low Pressure Area (LPA) na nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Huli itong namataan sa layong 1,290 kilometers, east southeast ng Mindanao.

Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Meno Mendoza – mababa ang posibilidad na maging bagyo ito.


Sa ngayon, ang northeast monsoon o hanging amihan ang nakakaapekto sa Luzon at Visayas.

Magdadala ito ng mga pag-ulan sa Bicol Region at Eastern Visayas.

Magkakaroon ng kalat-kalat na pag-ulan sa Mindanao dulot ng ‘trough’ o buntot ng LPA.

Delikadong maglayag ang mga maliliit na sasakyang pandagat sa silangang baybayin ng Camarines Provinces, Sorsogon, Eastern Visayas at Mindanao.

Facebook Comments