Umiiral pa rin ang northeast monsoon o hanging amihan.
Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Ariel Rojas – magkakaroon ng mahihinang ulan dahil sa amihan ang Aurora at Cagayan Valley.
Abot din ng malamig na amihan ang Kabisayaan ngunit sa Mindanao, bagaman at maganda ang panahon ay mainit at maalinsangan lalo na sa tanghali.
Samantala, binabantayan ang isang Low Pressure Area (LPA) ay malayo pa ng bansa.
Ito ay nasa 2,885 kilometers silangan ng Mindanao at mataas ang posibilidad na maging tropical depression.
Kapag pumasok na ito sa ating area of responsibility na ganap na bagyo ay tatawagin itong ‘Amang’.
Facebook Comments